^

3 ‘pusher’ huli sa drug ops sa hotel

Artemio Dumlao (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

BAGUIO CITY, Philippines — Tatlong notoryus na drug per­sonalities na kabilang sa listahan ng mga high value­ target ang natimbog ng pulisya sa matagumpay na buy-bust operation sa isang hotel sa lungsod ng Cauayan, Isabela Biyernes ng umaga.

Sa pinagsanib na puwersa ng Cauayan Police sa pangunguna ni Lt. Col. Gerald Gamboa, mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 2, at Isabela Provincial Police Intelligence Unit-Drug Enforcement Unit sa pangu­nguna ni Major Eugene Mallillin at Regional Drug Enforcement Unit 2, nadakip ang mga suspek na kinilalang sina Macario Alejo, 36, ng Brgy. Luna, Isabela; Francis Neil Donato, 35, ng Brgy. Culing­, Centro Cabatuan, Isabela at Dione Respicio, 51, taga-Brgy. Saranay, Cabatuan, Isabela.

Nakumpiska kay Alejo ang limang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P34,000, isang P1,000.00 na buy-bust money na may kasamang apat na piraso ng P1,000 boodle money, 9mm pistol na may 15 bala, isang cellphone at isang SUV.

Sina Donato at Respicio ay nakuhanan naman ng isang bag pack, 500 gramo ng marijuana na may halagang P60,000 at mga drug paraphernalia.

BUY BUST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with