Ex-Cavite governor Ayong Maliksi pumanaw na
MANILA, Philippines — Pumanaw na sa edad na 82 si dating Cavite Governor Erineo “Ayong” Maliksi, ayon sa kumpirmasyon ng anak na si Imus City Mayor Emmanuel Maliksi, sa kanyang post sa Facebook.
Si Ayong ay nagsilbi sa publiko sa matagal na panahon sa Cavite, mula sa pagiging alkalde at bise-alkalde sa kanyang bayan sa Imus ay naging representante sa ikalawang distrito ng probinsya, at naging gobernador din mula 2001 hanggang 2010.
Pinangunahan niya rin ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa ilalim ng Aquino administration. — Joy Cantos
- Latest