^
Cagayan lady cop, 5 araw ng nawawala
P/Master Sergeant Jovelyn Pagaduan Camangeg
STAR/ File

Cagayan lady cop, 5 araw ng nawawala

Artemio Dumlao (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2021 - 12:00am

BAGUIO CITY , Philippines —  Limang araw na nga­yong nawawala ang 40-anyos na si  P/Master Sergeant Jovelyn Pagaduan Camangeg, ng  Centro 2, nakadestino sa bayan ng Lasam na huling nakita dakong alas-5:00 ng umaga nitong February 18 patungo sa Tuguegarao City, Cagayan para sana mag-loan at kunin ang kanyang inorder na slimming coffee.

Inatasan na ni Cagayan Valley police director Brig. Gen. Crizaldo Nieves ang malalimang imbestigasyon sa pagkawala ni Camangeg na sumasailaim sa virtual seminar tungkol sa  Integrated Transformation Program (ITP) mula February 11-17 2021 sa pamamagitan ng  Zoom.

Ayon sa kapatid ng pulis na sinubukan niyang tawagan ang cellphone, subalit walang sumasagot at nasa out of coverage.

Ayon sa Lasam­ po­lice, si Camangeg­ ay sakay ng kan­yang­ orange­ Toyota Wigo na may plate number BA 1788 at nakasuot ito ng maong pants at olive­ green shirt na may tatak na pulis.

ITP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with