^
3 lalaki niratrat habang naglalakad, 2 todas
Sa ulat ng Antipolo City Police, alas-9:30 ng gabi ay nagla­lakad ang mga biktima­ pa­uwi na sa kani-ka­ni­­lang tahanan sa Sitio Abuyod, Brgy. San Jose, Antipolo City nang bigla­ na lang silang pagba­barilin ng mga suspek na agad ikinamatay nina Fernandez at Cabasbas.
STAR/ File

3 lalaki niratrat habang naglalakad, 2 todas

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2021 - 12:00am

ANTIPOLO CITY, Rizal, Philippines —  Dalawang la­laki ang patay habang isa ang nasugatan nang pagbabarilin sila ng may apat na lalaki habang naglalakad pa­uwi sa kanilang mga bahay, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Romualdo Fernandez at Efren Cabasbas, habang sugatan naman si Joey Dagalea, na ginagamot na ngayon sa pagamutan.

Arestado naman ang mga itinuturong suspek sa krimen na sina Eustaquio Flohimon, 52; Benidictson­ Bon, 23; Adrian Miranda, 39; at JayAr Arasa, 35. Samantala­, arestado rin naman ang isang Sally Misola dahil umano sa kasong obstruction.

Sa ulat ng Antipolo City Police, alas-9:30 ng gabi ay nagla­lakad ang mga biktima­ pa­uwi na sa kani-ka­ni­­lang tahanan sa Sitio Abuyod, Brgy. San Jose, Antipolo City nang bigla­ na lang silang pagba­barilin ng mga suspek na agad ikinamatay nina Fernandez at Cabasbas.

Kaagad din namang naaresto ang mga suspek at inaalam kung ano ang motibo nila kung bakit pinagbabaril ang mga biktima.

Nakarekober rin ang mga otoridad ng dalawang pistola, na pinaniniwalaang siyang ginamit sa krimen.

SALLY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with