^
Missing na DSWD employee, natagpuang patay
Kinilala ni P/Lt. Col. Julius Alvaro, CSJDM chief of police, ang bangkay na si Justine Charles Accad III, na taga-Zamboanga City, pero kasalukuyang na­ni­nirahan sa Marikina City.
STAR/ File

Missing na DSWD employee, natagpuang patay

Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2021 - 12:00am

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan,  Philippines —  Patay na at nakasilid sa sako nang matagpuan ang nawawalang kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa isang masukal na lugar sa lungosd na ito.

Kinilala ni P/Lt. Col. Julius Alvaro, CSJDM chief of police, ang bangkay na si Justine Charles Accad III, na taga-Zamboanga City, pero kasalukuyang na­ni­nirahan sa Marikina City.

Ayon sa mga imbes­tigador, nakabalot ng packaging tape ang ulo ng biktima habang itinali ang kanyang mga kamay sa kanyang mga paa gamit ang kable.

Isang manganga­lakal ang nakadiskubre ng katawan sa Kaypian­ dump malapit sa Bagong Silang, Caloocan City bandang alas-3:00 ng hapon.

Sinabi ni Alvaro na noong Pebrero 19 pa nawawala ang biktima mula nang siya’y umalis sa kaniyang bahay upang pumasok sa trabaho sa San Juan City Hall na sakay ng kanyang gray Honda Civic.

Positibong kinilala ng buntis na kinakasama­ ng biktimang si Jessa Muncada, at kanyang kapatid na si Jessica Accad, ang labi ng biktima.

DSWD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with