^

P38 milyong shabu nasabat, 2 mister tiklo

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2021 - 12:00am

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Aabot sa P380,000 na halaga ng umano’y shabu ang nasabat ng pulisya sa dalawang mister sa magkahiwalay na buy-bust operations sa lalawigang ito, noong Miyerkules.

Kinilala ni Police Col. Jaime Santos, acting provincial director, ang dalawang nadakip na suspek na sina Benny Estares, 43, may-asawa, jobless ng Barangay Dicarma, rito; at Rolando Manalastas, 44, may-asawa ng Barangay Sto. Cristo Norte, Gapan City.

Ayon Lt. Col. Barnard Dannie Dasugo, hepe ng Cabanatuan City Police, ang suspek na si Estares ay nahuli nila sa buy-bust sa Purok Champaca Uno ng Brgy. Dicarma, rito, alas-9:00 ng gabi ng Miyerkules at nasamsam dito ang 13 plastic sachet ng umano’y shabu, na may timbang na 50 gramo at nagkakahalaga ng P340,000.

Bandang alas-2:15 naman ng hapon nang ma­aresto ang suspek na si Manalastas, sa isang buy-bust operation sa Brgy. Sto. Cristo Norte, Gapan City at nakuha ang 3-plastic sachet ng umano’y shabu na may timbang na halos 6 gramo at nagkakahalaga ng P40,000.

JAIME SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with