^

4 kawani nagka-COVID-19, Fire Station ini-lockdown

Raymond Catindig (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2021 - 12:00am

MADDELA,Quirino, Philippines — Isinailalim sa pansamantalang lockdown ang himpilan ng Bureau of Fire Protection ng bayang ito matapos ang apat na kawani ay nagpositibo sa COVID-19.

Sa report ng provincial health, nahawa sa naunang kaso na nagpositibo sa virus noong Pebrero 20 ang tatlong kawani na pawang asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

Isinailalim din sa quarantine ang lahat­ ng nalalabi pang ka­wani ng BFP Maddela upang masawata ang pagkalat ng virus.

Ang lalawigan ng Quirino ay mayroon nang 61 kumpirmadong kaso ng COVID-19 na lubhang ikinaaalarma ng lokal na pamahalaan.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with