_ngayon
^

15 katao nakorner sa motorcycle race

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2021 - 12:00am

STO.DOMINGO, Nueva Ecija, Philippines — Labinlimang kalalakihan, kabilang ang tatlong menor-de-edad  ang naaresto ng mga otoridad nang maaktuhan ang mga ito na nagkakarera ng motorsiklo­ sa kahabaan ng kalsa­dang sakop ng Barangay Mabini, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay P/Major Abraham Atencio, hepe ng Sto. Domingo PNP, ang mga inaresto na sina Mark Jayson Pala­dan, 21; Gilbert Fulgencio, 19, na umano’y financier nito; Marchel Narca, 25; Jayson Villa­nueva, 24; James Bisual, 18; Honorio Gon­zales, 20; John Benedick Barroga, 21; Elizardo Turno, 32; Jomar Patricio, 22; Harris Jay Patricio, 21; Jorge Michael Braceros, 18; CJ Martinez, 23; at ang tatlong menor na hindi ibinigay ang mga pangalan, at pawang mga residente ng Barangay Maligaya, Science City of Muñoz at ng Barangay Mabini, Sto. Domingo, NE.

Nabatid na alas-8:00 ng Miyerkules ng gabi nang sila umano ay arestuhin ng rumes­pondeng pulisya at nakumpiska ang P2,269 na bet money at limang motorsiklo na gamit umano sa nasabing ka­rera.

Nabatid pa na isang tawag mula sa residente ng Barangay Mabini, Sto. Domingo, NE, ang naging daan upang mahuli ang mga suspek sa ilegal nilang libangan. 

GABI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with