^
Mag-asawang senior pinagtataga saka ginilitan
Maliban sa mga malalalim na sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan, halos maputol ang leeg at malalalim na taga sa ulo ang tinamo ng mga biktima na kinilalang sina Robion Zaragoza Arciete, 75-anyos at misis niyang si Corazon, 60-anyos, pawang residente sa nasabing barangay.
STAR/ File

Mag-asawang senior pinagtataga saka ginilitan

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2021 - 12:00am

AROROY, Masbate, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng mag-asawang senior citizen matapos na pagtatagain sa ulo at katawan saka ginilitan ng isang suspek na nagawang sambitin ang pangalan nito ng isa sa mga biktima bago nalagutan ng hininga sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Managanaga ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Maliban sa mga malalalim na sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan, halos maputol ang leeg at malalalim na taga sa ulo ang tinamo ng mga biktima na kinilalang sina Robion Zaragoza Arciete, 75-anyos at misis niyang si Corazon, 60-anyos, pawang residente sa nasabing barangay.

Tinutugis na ng pulisya ang suspek na nakilala namang si Kano Yamzon, 26-anyos, binata at residente ng Brgy. Dayao, Mandaon.

Sa paunang imbestigasyon, dakong alas-7 ng umaga nang dumating sa bahay ng mag-asawang Arciete ang kanilang anak na si Rommel, 31-anyos upang bisitahin ang magulang. Laking gulat niya nang makita ang mga magulang na kap­wa naliligo sa sariling dugo at nakahandusay sa sahig.

Nabatid na nadatnan ni Rommel ang tatay na si Robion na patay na habang ang nanay niyang si Corazon ay naghihingalo at nabanggit pa umano nito sa anak ang pangalan ng suspek na si Yamzon bago nalagutan ng hi­ninga.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang motibo sa pagpatay sa mag-asawang matanda na hinihinalang pinasok ng suspek saka isinagawa ang pagpatay.

ROMMEL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with