^
P6.8 milyong  shabu sa air fryer nasabat sa Clark
Bunsod nito, nagsagawa ng “physical ­examination” at nadiskubre ang dalawang itim na plastic packs na naglalaman ng tinatayang 1,000 gramo ng hinihinalang shabu na isinilid sa air fryer. Agad na naglabas ng warrant of seizure and detention si District Collect
STAR/ File

P6.8 milyong shabu sa air fryer nasabat sa Clark

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu nang madiskubre ito sa loob ng isang air fryer na tangkang ipuslit sa Port of Clark nitong nakalipas na linggo.

Sa ulat, Pebrero 16 nang dumating ang shipment sa Port of Clark na nakadeklarang “air fryer, silkware” mula sa Sha Alam, Malaysia.

Nang isailalim sa “non-intrusive examination” sa kargamento, nadiskubre ang imahe ng organic substances sa loob nito.

Bunsod nito, nagsagawa ng “physical ­examination” at nadiskubre ang dalawang itim na plastic packs na naglalaman ng tinatayang 1,000 gramo ng hinihinalang shabu na isinilid sa air fryer.

Agad na naglabas ng warrant of seizure and detention si District Collector Atty. Ruby Alameda laban sa shipment base sa R.A.10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at RA 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

Sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nagsagawa ng “controlled delivery operation” ang BOC na nagresulta sa pagkakadakip sa hindi pa pinangalanang “claimant” ng shipment sa Cebu City na nahaharap ngayon sa paglabag sa mga nabanggit na kaso.

BOC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with