^
âDrug queenâ sa Albay timbog sa buy-bust
Sinampahan na ng kaso ang suspek na nakilalang si Grace Botabara Biron, residente ng Purok-4, Brgy.Tayhi, Tabaco City.
STAR/ File

‘Drug queen’ sa Albay timbog sa buy-bust

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2021 - 12:00am

TABACO CITY, Albay , Philippines — Nadakip na ang isang dalaga na notor­yus na tulak ng droga at tinaguriang “drug queen” sa Albay matapos masamsaman ng may P.34 milyong halaga ng droga sa ikinasang buy-bust ­operation ng mga ahente ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob ng isang motel sa Purok-6, Brgy. Cobo ng lungsod na ito ka­makalawa ng hapon.

Sinampahan na ng kaso ang suspek na nakilalang si Grace Botabara Biron, residente ng Purok-4, Brgy.Tayhi, Tabaco City.

Sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon nang ikasa ng PDEA ang buy-bust operation laban kay Biron. Nakipagkasundo ang dalagang suspek sa isang PDEA agent na umaktong buyer na gawin ang kanilang transaksyon sa loob ng Captain’s Inn sa nasabing barangay.

Matapos iabot na ng suspek sa poseur buyer ang isang mala­king sachet ng shabu na tumitimbang ng 50 gramo at nagkakahalaga ng P340,000 ay agad siyang inaresto.

Nabawi sa suspek ang boodle money na ginamit sa buy-bust at ilang drug paraphernalia.

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with