

Subic Bay Freeport kasado na sa COVID-19 vaccine rollout
SUBIC BAY FREEPORT, Philippines — Handa na ang mga health facilities at health personnel sa Subic Bay Freeport sa pagsasagawa ng COVID-19 vaccine rollout sakaling simulan na ang mass vaccination program ng gobyerno.
Ito ang tiniyak kahapon ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman and Administrator Wilma Eisma sa mga opisyales ng Department of Health (DOH) na sinaksihan ang isinagawang simulation ng COVID-19 vaccine administration sa Subic Freeport Zone.
“We don’t want to get caught empty-handed. “With the anticipated arrival of Covid-19 vaccines, the medical team of the SBMA is all prepped up and ready for the vaccination program. We shall be prepared when it happens,” dagdag pa ni Eisma.
Sinabi pa ni Eisma na patuloy ang kanilang koordinasyon sa DOH para sa COVID-19 procurement bagama’t ang kanilang ahensiya ay isang hindi local government unit (LGU) ay humahanap sila ng mga paraan upang mabilis na makakuha ng bakuna kabilang na ang kanilang partnership sa Philippine Red Cross o sa mga pribadong kumpanya.
Sakaling magkaroon na umano ng vaccine rollout ay uunahin na turukan ang mga frontline health workers kabilang ang senior citizens, indigent at law enforcement o mga uniformed personnel sa freeport. Binubuo naman ng limang doktor, 20 nurse at dalawang medical technologist ang vaccination team sa Subic Bay Freeport Zone.
- Latest