^

Kolektor ng electric coop nag-suicide

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2021 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Sinisiyasat ng awtoridad ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang isang kolektor ng Cagayan Electric Co­­o­perative (CAGELCO) sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa Barangay Centro 2, Lasam, Cagayan noong Lunes.

Ayon kay Police Corporal John Paul Peralta, dakong alas-4:30 nang magising ang misis ng biktimang si Mario Malsit, 45, sa alingawngaw ng putok ng baril.

Agad pinuntahan  ng ginang ang kanilang palikuran na pinanggalingan ng putok at laking gulat nito nang madatnan ang mister na si Mario na patay na at naililigo sa sariling dugo.

Narekober sa tabi ng bangkay ang isang ka­libre 45 boga na ginamit ng biktima sa pagpapakamatay.

Palaisipan pa sa awtoridad ang sanhi ng pagpapakamatay ng biktima at inaalam kung may kinalaman ito sa trabaho o personal na problema sa pamilya.

CAGELCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with