^

Tattoo artist tiklo sa pagtutulak sa iskul

Artemio Dumlao (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2021 - 12:00am

BAGUIO CITY, Philippines — Huli sa ikinasang operas­yon ng mga awtoridad ang isang tattoo artist na diumano’y tulak din ng shabu sa loob ng compound ng Benguet State University, iniulat kahapon.Kinilala ang suspek na si Christian Gray Cuña ­alias “Ischan”, tubong Calamba, Laguna at pansamantalang nakatira sa Central Balili, La Trinidad, Benguet.

Nadakip si Cuña ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Benguet, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Benguet at Benguet Police matapos kumagat sa buy-bust at bentahan nito ang isang undercover agent ng isang sachet ng shabu na nasa 2.07 gramo at nagkakahalaga ng P14,076.00.

 Ayon sa otoridad, si Cuña ay kabilang sa mga “Street Level Individual (SLI)” na minamanmanan ng mga operatiba sa kanyang pagbebenta ng shabu.

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with