
55K health workers unang babakunahan sa Region 12
NORTH COTABATO, Philippines — Prayoridad ng Department of Health (DOH) Region-12 na mabigyan ng COVID-19 vaccine ang mahigit 55,000 health workers sa rehiyon o Soccsksargen.
Kabilang sa mga uunahing tuturuan ng bakuna ay ang mga frontline health workers sa mga pampubliko at pribadong ospital at iba pa pang healthcare providers. Layon nito, ayon kay DOH 12 Immunization Manager Dr. Edvir Jane Montañer na matiyak na mananatiling functional ang local health systems sa rehiyon. Ito ay sa kabila pa rin ng banta ng COVID-19.
Sinabi ni Monatañer na mahalaga na mapanatili ang maayos na pagbibigay ng serbisyo sa mga COVID-19 patients para maiwasan ang pangamba ng publiko at magkaroon ng tiwala sa vaccination program.
Maliban aniya sa mga health workers, prayoridad din na mabakunahan laban sa COVID-19 ang mga senior citizen, mahihirap na mamamayan, militar, police personnel at iba pang mga allied units sa Region 12.
Ang mga nalalabi pang mga sector, ayon kay Montañer ay saklaw sa ikalawa at ikatlong bugso ng pagbabakuna sa susunod na dalawang taon o hanggang sa 2023.
- Latest