^

65-anyos na rider, durog sa van

Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2021 - 12:00am

LUCBAN, Quezon, Philippines — Nabasag ang bungo at namatay noon din ang isang lolo na motorcycle rider makaraan siyang banggain ng hospital van sa National road na sakop ng Barangay Kulapi, dito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Pedro Gaanany, 65, magsasaka ng Miramonte Subdivision, Brgy. Tinamnan samantalang nakakulong na ang driver ng van na si Ignacio Tabernilla, 57, ng Tayabas City.

Sa imbestigasyon, pauwi na ang biktima sakay ng motorsiklo at binabagtas ang kahabaan ng highway nang banggain sa kanyang hulihan ng sumusunod na service vehicle van na pag-aari ng Tayabas Community Hospital at minamaneho ni Tabernilla.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, una ang ulong bumagok sa kalye ang biktima sanhi ng kanyang kamatayan.

Ikinatuwiran ng suspek na hindi niya nakita ang motorsiklo ng biktima kung kaya tuluy-tuloy siya sa pagpapatakbo.

BIKTIMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with