^
No. 1 most wanted, 2 pa todas sa shootout
Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Police director, ang tatlong napatay na sina Ismael Zabala, top 1 most wanted person sa bayan ng Norzagaray at mga drug pusher umanong sina Fajad Dumara Madaya at Hermedelio Mangcoy.
Banat/File

No. 1 most wanted, 2 pa todas sa shootout

Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2021 - 12:00am

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Isang tinaguriang No. 1 most wanted person at dalawang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga ang pawang napatay sa engkuwentro sa ikinasang magkakahiwalay na operasyon ng pulisya kahapon ng madaling araw sa lalawigang ito.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Police director, ang tatlong napatay na sina Ismael Zabala, top 1 most wanted person sa bayan ng Norzagaray at mga drug pusher umanong sina Fajad Dumara Madaya at Hermedelio Mangcoy.

Sa ulat, Si Zabala na nagtago sa mga otoridad ng halos isang dekada dahil sa kasong 4 counts of rape ay napatay sa shootout sa Sitio Anaab, Brgy. San Mateo, Norzagaray.

Napatay naman si Madaya sa isang buy-bust operation sa Brgy. Gaya-gaya, San Jose del Monte City matapos na makipagbarilan sa mga pulis dakong alas-2:00 ng madaling araw. Nabawi rito ang isang cal .38 revolver, apat na plastic sachet ng shabu at buy-bust money.

Si Mangcoy ay napatay rin ng mga pulis sa isang drug bust sa Brgy. Saog, Marilao dakong alas-2:55 ng madaling araw matapos umanong makipagpalitan ng putok sa mga otoridad. Narekober dito ang isang cal .22 revolver, 10 plastic sachet ng shabu, drug paraphernalia at buy-bust money.

MOST WANTED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with