^

Police car salpok sa bakod: Lady cop dedo, 5 pa sugatan

Doris Franche, Raymund Catindig, Artemio Dumlao (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2021 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nasawi ang isang policewoman habang sugatan ang apat niyang kabaro at isang sibilyan matapos sumalpok ang sinasakyan nilang police car sa konkretong bakod ng isang subdibisyon sa Brgy. Sinsayon, Santiago City, Isabela noong Sabado.

Dead-on-the-spot si Patrolwoman Archelle Duldulao habang nagtamo ng malubhang pinsala sa katawan sina Corporal Kacelyn Tarayao, Patrol­woman Pauline Carlos, Riza Mae Laureta at kanilang drayber na si Corporal Berna Austria; pawang kasapi ng all-women City Mobile Force Company sa naturang lungsod.

Sugatan din ang isang tricycle driver na nakilalang si John Molina matapos siyang mahagip ng patrol car na nawalan ng kontrol.

Ayon sa report, patungo ang mga biktima sa kalapit na bayan ng Cordon nang pumutok ang gulong sa gawing kaliwang harapan ng kanilang Toyota Hilux police vehicle.

Bunsod nito ay nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber na si Austria at nabangga ang isang SUV na minamaneho ni Liza Pua at traysikel na hawak ni Molina bago sila sumalpok sa pader dakong alas-4:20 ng hapon. Kasama si Molina sa mga isinugod sa ospital.

POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with