^
âMost wantedâ sa Angeles City huli
Kinilala ang nadakip na si Leonardo Dunca Jr. alyas “Junjun”. Siya ay naispatan sa kahabaan ng Pampang Road, Brgy. Pampang at inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Edgar Chua, presiding judge ng RTC Branch 47, San Fernando City na walang piyansang inirekomenda.
STAR/File

‘Most wanted’ sa Angeles City huli

Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - February 4, 2021 - 12:00am

PAMPANGA, Philippines — Arestado na ang most wanted person na miyembro ng kilabot ng criminal group sa Angeles City nitong Martes ng gabi, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ang nadakip na si Leonardo Dunca Jr. alyas “Junjun”. Siya ay naispatan sa kahabaan ng Pampang Road, Brgy. Pampang at inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Edgar Chua, presiding judge ng RTC Branch 47, San Fernando City na walang piyansang inirekomenda. 

Wanted si Dunca dahil sa kasong may kinalaman sa droga at sinasabing miyembro ng notor­yus na Espinola Criminal Group na sangkot umano sa drug trafficking at gun running sa Angeles City at sa mga karatig-bayan.

Ayon kay P/Col. Rommel Batangan, Angeles City Police director, nasa listahan din si Dunca sa mga high value target sa rehiyon. 

MOST WANTED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with