_ngayon
^

Magkaibigan naligo sa ilog, tinangay ng agos

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - February 3, 2021 - 12:00am

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Pinaniniwalaang nalunod ang dalawang totoy matapos na sila ay tangayin ng malakas na agos  habang nagtatampisaw sa Ganano River sa Barangay Divisoria, kamakalawa.

Patuloy na pinaghaha­nap ng mga otoridad ang katawan ng mga biktimang sina Earl John Ulep,15 at Daryl Apostol, 9 na kapwa residente sa naturang lugar.

Ayon sa report, alas-4:00 ng hapon ay nagtungo sa ilog ang mga biktima kasama ang isa pang kaibigang si Marlon Cariaso,13 upang linisin ang kanilang mga bisikleta sa ilog.

Subalit matapos na malinisan ang kanilang mga bisekleta ay nagkayayaang maligo ang tatlo at unang lumusong sa tubig si Apostol na agad tinangay ng malakas na agos.

Sinikap sagipin ni Ulep ang kaibigan, subalit ma­ging siya ay tinangay ng agos hanggang kapwa sila nawala sa paningin ni Cariaso na nagulantang sa pangyayari.

Agad humingi ng tulong si Cariaso at nagsagawa ng search and retrieval operations ang otoridad upang mahanap ang dalawana pinaniniwalaang nalunod.

RIVER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with