^

Probinsiya

Motor salpok sa jeep: Ahente ng lupa, utas

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Motor salpok sa jeep: Ahente ng lupa, utas
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Christian Dior Ayaso, 36, may asawa ng Barangay Lagalag, Tiaong, ­Quezon samantalang nasa kustodya ng Candelaria Police ang driver ng jeep na si Edwin Gavino, 46, ng Barangay Bukal Sur.
STAR/File

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Nabasag ang bungo at namatay noon din ang isang ahente ng lupa makaraang bumangga ang sinasakyan niyang motorsiklo sa pampasaherong jeepney sa Maharlika highway na sakop ng Barangay Bukal Sur, dito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Christian Dior Ayaso, 36, may asawa ng Barangay Lagalag, Tiaong, ­Quezon samantalang nasa kustodya ng Candelaria Police ang driver ng jeep na si Edwin Gavino, 46, ng Barangay Bukal Sur.

Ayon sa imbestigasyon, patungo sa bayan ng Tiaong dakong alas-3:40 ng hapon ang biktima lulan ng Rusi sports motorcycle nang bumangga ito sa kanang bahagi ng minamanehong jeep ni Gavino na patungo naman sa tindahan ng mga paso na nasa gilid ng kalye.

Una ang ulong bu­magok sa kalsada ang biktima nang ito ay tumilapon dahil sa lakas ng pagkakabangga sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

MOTOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with