^

Probinsiya

Magalong kakasuhan ang misis sa paglabag sa health protocols

Raymund Catindig, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Magalong kakasuhan ang misis sa paglabag sa health protocols
Sina Mayor Benjamin Magalong (kaliwa), misis na si Arlene (kanan) at actress na si KC Concepcion nang magpakuha ng larawan sa umano’y birthday party ng celebrity na si Tim Yap sa Baguio City. Hindi nakalagpas ito sa pagpuna ng netizens nang iposte ito sa social media dahil sa hindi pagsusuot ng face mask na pag­labag sa COVID-19 health protocols.
Courtesy: Facebook

Sa birthday party ng celebrity

MANILA, Philippines — “Ang batas ay batas at walang sinisino ma­ging ang aking misis.”

Ito ang inihayag kahapon ni Baguio City Mayor Benjamin Maga­long kasunod ng kanyang pag-amin na kabilang ang sariling misis sa mga kakasuhan nito dahil sa paglabag sa hindi pagsusuot ng face mask sa ginanap na birthday party ng celebrity na si Timothy “Tim” Yap sa The Mansion sa Camp Jhon Hay kung saan panauhin din ang actress na si KC Concepcion kamakalawa.

Binigyang-diin ni Ma­­galong, itinalagang COVID-19 contact tracing czar ng pamahalaan, ang prinsipyong “leadership by example” sa ginawang hakbang matapos na kumalat sa social media ang mga larawan na nagpapakita na hindi nakasuot ng face mask ang misis niyang si Arlene, katabi si KC na anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Aniya, gagamitin nilang ebidensiya sa kaso ang mga litratong na-upload sa social media kabilang na ang kuha ng kanyang misis na katabi ang artistang si KC na kapwa walang suot na face mask.

“Na starstruck ang misis ko kay KC kaya nung habang kumakain kami, may humiling mag­pa-litrato at nakalimutan nilang dalawang isuot muli ang facemask,” pa­liwanag ng mayor.

Gayunman, sinabi ni Magalong na walang perpektong tao at “tao lang” ang mga lumabag at walang intensiyong hamunin ang batas.

Sa kabila nito, sinabi ng alkade na ang grupo ni Yap ay dumaan sa ipinatutupad na panuntunan ng lungsod sa pagpa­sok at pumasa sa health triage.

Aniya, si Yap at kanyang grupo na inanyayahan ni dating Department of Tourism Regional Director Marie Venus Tan ay namak­yaw din ng mga likha ng local artist sa lungsod. Malaking tulong din aniya sa mga local artist at traders sa Baguio City ang pagpunta ni Yap na kilalang alagad ng sining­ upang doon idaos ang kaarawan.

Binigyan naman ng 72-oras ng mga awtoridad ang The Mansion na pinagdausan ng party ni Yap para ipaliwanag kung bakit hindi dapat itong pagmultahin o patawan ng parusa kaugnay sa mga nangyaring paglabag sa health protocols.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with