9 drug peddlers nalambat
NUEVA ECIJA, Philippines — Arestado ang 9 na umano’y mga “tulak” ng droga, kabilang ang isang sinasabing high value target (HVT) sanhi ng pagkakakumpiska ng mahigit P.1-milyong halaga ng droga sa isinagawang buy-bust operations sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito noong Martes.
Kinilala ni Police Col. Marvin Joe Saro, Nueva Ecija Police Provincial director, ang mga nadakmang drug suspect na sina Adonis Yuzon, sinasabing isang HVT, at kawani ng Nueva Ecija Provincial Jail; June Francisco, alyas “Tiago”, 47, at Reliver Flores alyas “Ebey”, 37, kapwa may-asawa ng Brgy. Pulo, San Isidro, NE; at ang dayong si Ronnie Roque, alyas “Jolex”, 54, may-asawa ng Brgy. Maliwalo, Tarlac City.
Ang iba pang nadakip ay sina Marvin Bago, 47, binata, tricycle driver ng Brgy. Poblacion I, Peñaranda, NE; Chito Reyes alyas “Utak”, 48, may-asawa, construction worker ng Barangay Marcos, Talavera, NE; Manuel Narciso Jr., 53, may-asawa, driver, Robert Sarte alyas “Obet”, 50, may-asawa, construction worker, kapwa ng Brgy. Aduas Sur, Cabanatuan City; at isang 16-anyos na binatilyo ng Brgy. Putlod, Jaen, NE.
- Latest