Gobernador, misis nagpositibo sa COVID-19

VIRAC, Catandua­nes, Philippines — Nalungkot ang buong lalawigan ng Ca­tanduanes matapos kumpirmahin mismo ni Governor Joseph “Bo­boy” Cua na tinamaan siya at ang kanyang asawang si Nancy ng Covid-19.

Sa kanyang Facebook page, inihayag ni Gov. Cua na base sa resultang kanilang natanggap kamakalawa ng hapon mula sa Department of Health ay nagpositibo silang mag-asawa sa sakit.

Gayunman, nagpapasalamat pa rin ang gobernador dahil sa ka­bila ng kanilang pagiging positibo sa sakit ay mild symptoms lang ang kanilang nararamdaman at siniguro na kahit nagkakuwarantina siya ay patuloy na nagagawa ang trabaho sa pamamagitan ng online.

Nitong nakalipas umanong linggo ay limi­tado lang ang kanyang naging engagements at palaging nasa loob ng opisina.

Agad inatasan ni Cua ang lahat ng kawani sa Governor’s Office pati ang kanyang pamilya na magpasailalim sa antigen test na pawang naging negatibo naman ang resulta.

Kahapon ng umaga, sinuspinde ng kalahating­ araw ang trabaho sa main capitol building para bigyang daan ang ginawang disinfection.

Show comments