^

Probinsiya

Jeep hulog sa bangin: 11 sugatan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Sugatan ang 11 katao na magkakamag-anak matapos mahulog ang sinasakyan nilang pampasaherong jeepney sa may 20 metrong lalim na bangin habang bumabagtas sa bulubunduking daan ng Barangay Bashoy sa Kabayan, Benguet noong Martes ng gabi.

Ayon kay P/Lt. Ro­que Sagun, hepe ng Kabayan Police Station, nawalan ng kontrol sa sasakyan ang drayber ng jeepney na si Milbon Socte, 32-anyos, habang bumabagtas pababa sa maputik at madulas na kalsada bago ito nahulog sa bangin dakong alas-6:00 ng gabi.

Ayon sa report, isi­nugod sa Dennis Mo­lintas District Hospital si Socte at pitong pasahero nito habang at tatlo na bahagyang na­sugatan at nagtamo ng bukol ay nilapatan ng lunas sa Kabayan Rural Health Unit clinic.

Ayon kay Sagun, pa­uwi na sa Poblacion ang mga biktima mula sa dinaluhang kasalan nang maganap ang sakuna.

vuukle comment

BANGIN

JEEP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with