10 dolphins naipit sa bakawan, patay sa CamSur
DEL GALLEGO, Camarines Sur, Philippines — Sampu sa 25 bilang ng tinatawag na “Fraser’s dolphin” o “Sarawak dolphin” ang namatay dahil sa mga sugat matapos maipit sa mga kahoy ng bakawan sa baybayin ng Brgy. Magais Uno ng bayang ito kahapon ng madaling araw.
Pitong dolphin ang naibalik sa dagat habang walo ang ginamot at ino-obserbahan ng rumespondeng rescue team at mga kawani ng Bureau of Fishiries and Aquatic Resources (BFAR) regional office 5.
Ayon kay Nonie Enolva, tagapagsalita ng BFAR sa Bicol humingi ng responde ang mga mangingisda at residente ng naturang barangay makaraang makita ang maraming dolphin na duguan at hindi makaalis sa bakawanan.
Patuloy na iniimbestigahan ng BFAR kung papano napunta sa mababaw na karagatan at naipit sa bakawan ang naturang mga marine mammal na lumalaki ng hanggang walong talampakan at tumitimbang hanggang 160-kilo na malimit makita at lumalangoy sa malalalim at tropical na karagatan ng Pacific Ocean, Atlantic at Indian Ocean.
- Latest