^
Bangkay ng estudyante na sumapi sa NPA, natagpuan
Ayon sa ulat na ipina­labas ng 5th Infantry Division (5th-ID) ng Philippine Army na nakabase sa Gamu, Isabela, ang pagkakadiskubre sa lugar kung saan inilibing ng mga rebeldeng NPA si Bautista ay dahil sa tulong ng isang dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan.
Photo courtesy of Visayas Today/Nonoy Espina

Bangkay ng estudyante na sumapi sa NPA, natagpuan

Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2021 - 12:00am

Napatay sa engkuwentro

Cauayan City, Isabela, Philippines — Matapos ang mahigit sa tatlong taon, natunton na rin ang mga labi ng isang nawawalang estudyante na sinasabing sumapi sa mga rebeldeng New People’s Army matapos masawi sa isang engkuwentro at ibinaon ng mga kasamahan sa isang liblib na lugar sa Baggao, Cagayan, ayon sa ulat kahapon. 

Nakilala ang nahukay na bangkay na si Justine Bautista alyas “Aira”, isang medical officer at political guide ng Northern Front Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley at dating estudyante ng Cagayan State University (CSU).

Ayon sa ulat na ipina­labas ng 5th Infantry Division (5th-ID) ng Philippine Army na nakabase sa Gamu, Isabela,  ang pagkakadiskubre sa lugar kung saan inilibing ng mga rebeldeng NPA si Bautista ay dahil sa tulong ng isang dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan.

Ayon sa dating rebelde, inilibing ang bangkay ni Bautista matapos siyang tamaan ng bala at masawi nang salakayin ng mga rebelde ang kampo ng militar sa Brgy. San Jose sa bayan ng Baggao noong June 25, 2017.

Matapos makumpirma ang lugar, agad pinangunahan ng tropa ng 501st Infantry Brigade ang paghuhukay sa masukal na bahagi ng Sitio Kapanisuwan, Brgy. Bitag Grande sa nasabing bayan na sinaksihan ng opisyal ng barangay nitong Sabado.

Lumalabas na si Bautista ay naging mi­yembro ng Kabataan at College Editor’s Guild of the Philippines bago sumapi sa mga rebelde.

Nagpaabot na ng pakikiramay si Army Maj. Gen. Laurence Mina, commanding general ng 5th-ID sa naiwang pamilya ni Bautista at pinasalamatan ang da­ting rebelde na nagturo sa bangkay ng naturang estudyante.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with