^
11 frontliners ng DOH, nahawa sa virus
Sa social media advisory ng Department of Health-Regional Office 2, hindi muna ito tatanggap ng bisita habang isinasagawa sa kanilang gusali ang disinfection at masusing contact tracing sa mga nakasalamuha ng 11 frontliners.
The STAR/Boy Santos, file

11 frontliners ng DOH, nahawa sa virus

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2021 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Isinailalim sa lockdown ang Cagayan Valley Center for Health Deve­lopment (CV-CHD) ng Department of Health (DOH) dito matapos magpositibo sa COVID-19 ang 11 nilang frontliners kahapon.

Sa social media advisory ng Department of Health-Regional Office 2, hindi muna ito tatanggap ng bisita habang isinasagawa sa kanilang gusali ang disinfection at masusing contact tracing sa mga nakasalamuha ng 11 frontliners. 

Gayunman, mananatiling bukas pa rin ang linya ng kanilang komunikasyon sa publiko.

Nabatid na karamihan sa mga tinamaang frontliners ay nagkaroon ng exposure sa mga nagpositibong kaso na nasa kanilang Community Isolation Unit.

Karamihan ng nasa Isolation Unit ay mga mula sa Haven for Women and Children ng Department of Social Welfare and Development na sumailalim sa aggressive mass testing sa lungsod noong nakaraang linggo.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with