^
2 âdrug pusherâ dedo sa Cavite encounter
Ang isa sa dalawang suspek na si Mark Anthony Lagos, miyembro ng Japson Robbery Group na napatay sa buy-bust operation sa Cavite.
Cristina Timbang

2 ‘drug pusher’ dedo sa Cavite encounter

Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2021 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Patay ang dalawang hinihinalang drug pusher kabilang ang isang miyembro ng “Japson Robbery Group” na luminya sa pagtutulak nang kumasa sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga napatay na sina Mark Anthony Lagos na nasa listahan ng Criminal Group sa Bacoor City Police at Manuel Cayas alias “Budoy”, 39-anyos, ng Phase 8 Blk 5 Lot 1 Parklane Homes, Brgy. Santiago, Gen Trias City.

Sa ulat ni Pat. Jerome Asid ng Bacoor City Police, dakong alas-5:00 noong Sabado ng hapon, nang isagawa ang buy-bust ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bacoor Police at PDEA-4A sa Tabing Dagat Maliksi 3, Bacoor City. Tinatayang nasa 7 gramo ng shabu (P7,500) ang unang inalok ng suspek sa poseur buyer at karagdagang 25 gramo pa na nagkakahalaga ng P204,000.

Nang magpositibo ang transaksyon, tinangkang arestuhin ang suspek pero agad na bumunot ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad sanhi ng engkuwentro na kanyang ikinabulagta.

Samantala, patay rin ang suspek na si Cayas matapos na bumunot ng kalibre 38 na baril at ipinutok sa mga pulis habang nakikipagtransaksiyon sa poseur buyer dakong alas-6:45 kamakalawa ng gabi sa Brgy Santiago, Gen Trias City. Nakuha sa suspek ang kanyang baril, droga at drug paraphernalia.

DRUG BUST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with