^

Pari itinumba sa Bukidnon

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang pari na tahasang tumutuligsa sa illegal logging sa kanyang nasasakupan at dating nadawit umano sa sex scandal ang natagpuang patay kamakalawa ng gabi sa Malaybalay, Bukidnon.

Duguan at may tama ng bala nang makita sa labas ng kanyang sasakyan ang biktima na kinilalang si Fr. Rene Regalado malapit sa Malaybalay Carmel Monastery.

Sa ulat, sinabi ni Col. Jerry Tambis, hepe ng Malaybalay Police na Si Fr. Regalado ay dating nadawit sa “sex scandal” at may adbokasya laban sa illegal logging na kanilang sinisilip na posibleng anggulo ng pagpatay sa huli.

Lumalabas sa imbestigasyon na pabalik na ang nasabing pari sa St. John College XXII Seminary nang barilin ng ‘di kilalang suspek.

Sa pagsusuri sa sasakyan, hindi umano ito nakitaan ng tama ng bala habang walang nawalang gamit ang nasabing biktima.

Kinondena ng Archdiocese of Malaybalay ang pagpatay sa pari at nanawagan sila ng hustisya sa karumal-dumal na krimen.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with