^

Probinsiya

Vice mayor ng Bontoc, tinamaan din ng COVID-19

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Sampung araw matapos tamaan ng COVID-19 ang alkalde ng Bontoc, Mountain Province; ­inamin din ng kanyang vice mayor ang pagiging positibo sa virus kahapon.

Sa kanyang social media post, inihayag ni Bontoc Vice Ma­yor Eusebio Kabluyen na tinamaan siya ng COVID-19 at pinayuhan ang mga nakasalamuha niya nitong nagdaang dalawang linggo na sumangguni sa kanilang Municipal Health Office at pakiramdaman ang sarili sa anumang sintomas ng sakit.

Nitong Enero 15, matatandaang inihayag ni Bontoc Mayor Franklin Odsey ang impeksiyon nito sa virus, dalawang araw matapos ihayag na lumampas na sa 100 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa kanyang teritoryo.  Marami pang opisyal at kawani ng munisipyo ng Bontoc ang sumailalim sa self isolation habang hinihintay ang resulta ng kanilang swab test.

Naligalig ang Bontoc matapos sumabog ang balitang may 12 na kababayan ang nasuri roon na nagtataglay ng UK variant ng COVID-19 na mas matinding makahawa.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with