^
Ex-vice mayor, utol ng solon itinumba!
Dead-on-the-spot sina dating Masantol Vice Mayor Erick Ca­riaga na taga-Quezon City at Jorge Bustos III, 46, ­operations manager ng Blue Gems Security Agency at umano’y kapatid ni Patrol Party-list Rep. Bar Bustos.
STAR/File

Ex-vice mayor, utol ng solon itinumba!

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

Binaril sa opisina ng security agency

MANILA, Philippines — Patay ang dating vice mayor ng Masantol, Pampanga at operation’s manager na kapatid ng isang kongresista matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin habang nasa loob ng opisina ng isang security agency kamakalawa ng umaga sa Angeles City.

Dead-on-the-spot sina dating Masantol Vice Mayor Erick Ca­riaga na taga-Quezon City at Jorge Bustos III, 46, ­operations manager ng Blue Gems Security Agency at umano’y kapatid ni Patrol Party-list Rep. Bar Bustos.

Batay sa testimonya ng security guard na si John Maverick Cunanan, kasalukuyan siyang naliligo dakong alas-9 ng ­umaga sa opisinang Blue Gems Security Agency sa Brgy. Pulung Maragul nang makarinig siya ng dalawang putok ng baril.

Ayon kay Cunanan, alas-9 ng umaga nang dumating sa opisina ang mga biktima at wala namang ibang tao sa gusali bukod sa kanila.

Nire-review na ng pulisya ang mga kuha ng CCTV para matukoy ang mga salarin at sinisiyasat ang motibo sa pagpatay.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with