^
Mahigit P20 milyong jackpot prize ng Lotto, napanalunan ng Caviteño
Ayon kay PCSO Ge­neral Manager Royina Garma, ang lucky ticket ay binili ng masuwerteng mananaya sa Dasmariñas, Cavite.
STAR/Miguel De Guzman, file

Mahigit P20 milyong jackpot prize ng Lotto, napanalunan ng Caviteño

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napagwagian ng isang Caviteño ang mahigit sa P20-milyong jackpot prize ng Regular Lotto 6/42 sa isinagawang lotto draw ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado ng gabi.

Ayon kay PCSO Ge­neral Manager Royina Garma, ang lucky ticket ay binili ng masuwerteng mananaya sa Dasmariñas, Cavite.

Tumataginting na P20,130,966.60 jackpot prize ang naiuwi ng masuwerteng lotto winner matapos na matagumpay na mahulaan ang winning combination na 05-02-12-26-28-04.

Pinayuhan naman ni Garma ang lucky bettor na upang makubra ang kanyang panalo ay kinakailangan lamang niyang magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City, magprisinta ng balidong identification card at dalhin ang kanyang lucky ticket.

Samantala, mayroong ng 56 na mananaya na nakahula ng tig-limang tamang numero sa regular lotto na nakapag-uwi ng tig-P24,000.

Ang Regular Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

PCSO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with