^
2 napatay, 12 timbog sa buy-bust
Sa ulat ng pulisya, napatay si Victor Regadello sa Brgy. Sampaloc, San Rafael, Bulacan dakong alas-11:20 ng gabi matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang drug bust operation. Narekober sa napaslang ang 36 na plastic sachet ng shabu na nakalagay sa isang kahang sigarilyo, isang Cal .38 revolver at buy-bust money.
FREEMAN/File

2 napatay, 12 timbog sa buy-bust

Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

MALOLOS CITY, Philippines — Dalawang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga ang napatay ng mga otoridad sa magkahiwalay na drug buy-bust kamakalawa at kahapon ng madaling araw, habang 12 pa ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng ipinagbabawal na droga sa lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat ng pulisya, napatay si Victor Regadello sa Brgy. Sampaloc, San Rafael, Bulacan dakong alas-11:20 ng gabi matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang drug bust operation. Narekober sa napaslang ang 36 na plastic sachet ng shabu na nakalagay sa isang kahang sigarilyo, isang Cal .38 revolver at buy-bust money.

Isa pang suspek na nakilalang si Travvy Canta ay napatay sa Brgy. Bunlo, Bocaue dakong alas-3:05 ng madaling araw nang makipagbarilan sa mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation. Nabawi rito ang ang 9 plastic sachet ng shabu, isang cal .38 revolver at buy-bust money.

Samantala, 12 pang tulak ang naaresto sa magkakahiwalay na buy-bust sa bayan ng Angat, Norzagaray, San Miguel, Obando, at mga siyudad ng Malolos at San Jose del Monte.

BUY BUST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with