^
5 âtulakâ todas sa Cavite drug ops
Kinilala ang mga napatay na sina Avril Castro, 33, binata ng Brgy. Bagbag I, Rosario, Cavite, isang alias CJ; isang ‘di pa kilalang lalaki na hinihina­lang pawang miyembro ng Bautista robbery at carnapping group; isang alias Fritz Malon Florentino at Ricky Perez alias “Rikitoy”.
STAR/File

5 ‘tulak’ todas sa Cavite drug ops

(Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bulagta ang limang hinihinalang drug pusher kabilang ang tatlong sinasabing miyembro ng “Bautista robbery and carnapping group” makaraang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operations sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite.

Kinilala ang mga napatay na sina Avril Castro, 33, binata ng Brgy. Bagbag I, Rosario, Cavite, isang alias CJ; isang ‘di pa kilalang lalaki na hinihina­lang pawang miyembro ng Bautista robbery at carnapping group; isang alias Fritz Malon Florentino at Ricky Perez alias “Rikitoy”.

Sa ulat ni P/SSgt. Ellezer Tagalog ng Rasario Municipal Police Station, dakong alas-3:30 Linggo ng madaling araw nang nagsagawa ng operasyon ang mga Station Drug Enforcement Unit (DEU) operatives ng Rasario Police at PDEA-4A sa Brgy. Tejeros Convention, Rosario kung saan target ang tatlong suspek.

Dumating ang suspek na si Castro sa lugar sakay ang isang motorsiklo at angkas nito si alias CJ at isa pa at agad na nakipag-deal sa poseur buyer. Sa kalagitnaan ng transaksyon, nakahalata si Castro kaya pinaputukan ng baril ang poseur buyer pero nagmintis hanggang magkaengkuwentro. Napatay si Castro at tumakas ang dalawang kasama sakay ng motorsiklo pero nakorner sila ng mga pulis at napatay rin sa barilan.

Napaslang din si Florentino nang manlaban sa mga operatiba ng Imus Police-DEU at PDEA 41 sa Brgy. Malagasang, Imus City habang napuruhan pa ng bala si alias Rikitoy nang makipagbarilan sa mga operatiba ng Naic Police-DEU at PDEA- 4A sa NHA Balai Isabel Subd., Brgy. Malainen Bago, Naic. (Cristina Timbang)

DRUGS PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with