^

Luna, Isabela humirit ng MECQ

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Humirit ng 14-araw na Modified Enhanced Community Qua­rantine (MECQ) ang pamahalaan ng Luna, Isabela simula ngayong Lunes matapos ang sunud-sunod na hawaan ng COVID-19 doon na nag-ugat sa isang New Year’s party na ikina-lockdown pa ng kanilang munisipyo.

Sinabi ni Mayor Jaime Atayde na umabot na sa anim na kawani at isang opisyal niya ang nakaratay ngayon sa iba’t ibang pasilidad bunga ng hawaan na nagsimula sa walong kataong dumalo ng kasiyahan noong nakaraang bagong taon saka nagpositibo sa virus. Aniya, isa sa dumalo ay nakahawa ng tatlong kawani ng munisipyo.

Ayon sa Municipal Health Office, ang tatlong kawaning nagpositibo ay nakahawa pang muli ng tatlong kabaro at isang opisyal.

Dahil dito, iniutos ni Atayde ang pag-lockdown sa munisipyo noong nakaraang Miyerkules upang maisagawa ang disinfection sa lugar at masusing contact tracing. Gayunman, sa halip na muling magbukas ang gusali ngayong Lunes ay idineklara naman ng alkalde ang mahigpit na MECQ hanggang Pebrero 7 na sasalain pa ng RIATF bago ito nila katigan.

Nabatid na nitong nakaraang tatlong araw, nakapagtala ang Luna ng 19 bagong kaso ng COVID-19.

MECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with