^
Parak, wanted na ex-chairman, 11 pa utas sa shootout
Sa ulat ng Maguinda­nao Police, kinilala ang nasawing target ng warrant of arrest na si Datu Pendatun “Datu Pen” Talusan, dating Chairman sa Brgy. Limbo ng bayang ito. Patay rin ang 11 na tauhan ni Talusan na nakipagbakbakan sa arresting team ng pulisya.
STAR/ File

Parak, wanted na ex-chairman, 11 pa utas sa shootout

Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2021 - 12:00am

Isisilbing arrest warrant pinalagan

MANILA, Philippines — Patay ang labintatlo katao kabilang ang isang pulis at puganteng da­ting barangay chairman habang pito pa ang sugatan matapos na mauwi sa madugong engkuwentro ang isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa Brgy. Limbo, Sultan Kudarat, Maguin­danao nitong Sabado ng madaling araw.

Sa ulat ng Maguinda­nao Police, kinilala ang nasawing target ng warrant of arrest na si Datu Pendatun “Datu Pen” Talusan, dating Chairman sa Brgy. Limbo ng bayang ito. Patay rin ang 11 na tauhan ni Talusan na nakipagbakbakan sa arresting team ng pulisya.

Si Talusan at lima pa sa mga kasamahan nito ay may warrant of arrest sa kasong robbery with murder, double frustrated homicide, frustrated murder, carnapping at illegal possession of firearms.

Minalas namang masawi sa barilan si P/Sergeant Reynel Pido, miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Apat pang pulis at tatlong sibilyan ang na­sugatan sa shootout na agad isinugod sa Cotabato Sanitarium Hospital para malapatan ng lunas.

Sa ulat kay Maguin­danao Police Provincial Office director Col. Donald Madamba, bandang alas-3:30 ng madaling araw nang lusubin ng CIDG kasama ang backup na tropa ng Philippine Marines ang safehouse ni Talusan sa Brgy. Limbo, Sultan Kudarat upang isilbi ang warrant of arrest laban dito at sa kanyang mga kasamahan. Gayunman, sa halip na sumuko ay agad sinalubong ng putok ng grupo ni Talusan ang arresting team kung saan ang palitan ng putok ay tumagal ng halos limang oras na ikinasawi nito at ng  kanyang 11 na tauhan habang nagbuwis naman ng buhay ang naturang CIDG operative.

Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang limang M16 rifles, isang M14, isang improvised barret, isang cal 22 rifle at dalawang cal. 45 pistol.

SHOOTOUT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with