^
Wanted na Ex-NPA hitman utas sa shootout
Sa ulat na tinanggap ni PNP Chief P/Gen. Debold Sinas, kinilala ang napatay na suspect na si Emmanuel Dequilla Sampani.
STAR/ File

Wanted na Ex-NPA hitman utas sa shootout

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napaslang ng pulisya ang isang dating red figh­ter o mandirigma ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na naging hitman sa naganap na engkuwentro sa Bago City, Negros Occidental nitong Biyernes ng gabi.

Sa ulat na tinanggap ni PNP Chief P/Gen. Debold Sinas, kinilala ang napatay na suspect na si Emmanuel Dequilla Sampani.

Bandang alas-10 ng gabi nang kumasa sa mga operatiba ng PNP-Anti-Kidnapping Group si Sampani sa operasyon sa Brgy. Dulao, Bago City. May dalang tatlong armas ang suspect nang makasagupa ng mga awtoridad matapos na magpaulan ng bala na nauwi sa ilang minutong bakbakan na kanyang ikinabulagta.

Sa rekord ng pulisya, si Sampani ay dating miyembro ng CPP-NPA ­Narciso Antaso Aramil Command nag-o-operate sa lalawigan ng Rizal. Siya ay lumipat at nagtago sa Quezon upang makaiwas sa pag-aresto ng mga awtoridad matapos namang mag-isyu ng warrant of arrest sa mga kasong kriminal na kinakaharap nito ang korte.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with