^

2 lalaki itinumba

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2021 - 12:00am

TINAMBAC, Camarines Sur , Philippines — Bulagta ang dalawang lalaki matapos na pagbabarilin ng mga armado sa magkahiwalay na barangay ng ba­yang ito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na parehong agad nasawi na sina Freddie Bermeo Gacer, 45-anyos, binata, magsasaka at re­sidente ng Brgy. Binalay at Elmer San Buenaventura Refugio, 43-anyos, may asawa at residente ng San Antonio, pawang sa Tinambac.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga, bumisita sa kanyang bukirin sa Brgy.Olag Grande si Gacer nang dumating ang dalawang armado at sa hindi malamang dahilan ay pinagbabaril siya hanggang sa masawi gamit ang kalibre 9mm na baril.

Dakong alas-9:15 ng umaga naman habang nakikipag-inuman sa kanyang tatlong kaibigan ang biktimang si Refugio nang biglang sumulpot ang tatlong gunmen at walang kaabog-abog na pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

BULAGTA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with