^

Probinsiya

4 mag-uutol na terorista bulagta sa raid

Rhoderick Beñez -
4 mag-uutol na terorista bulagta sa raid
Dead-on-the-spot sa operasyon ang binansagang “Macaba­ngin Brothers” na sina Harudin, Norhan, Baharan at Moin Macabi­ngin, pawang miyembro ng Dawlah Islamiyah (DI) “Maguid-Tadoy Group” sa ilalim ni alias “Tadoy”.
File

MANILA, Philippines —  Apat na mga magkakapatid na miyembro ng Dawlah Islamiyah ter­rorist group ang na­paslang matapos na manlaban sa mga ope­ratiba ng pulisya at mili­tar na magsisilbi ng war­rant of arrest laban sa kanila sa Sitio Malo, Jawe, Ba­rangay Basag, T’boli, South Cotabato, kama­kalawa.

Dead-on-the-spot sa operasyon ang binansagang “Macaba­ngin Brothers” na sina Harudin, Norhan, Baharan at Moin Macabi­ngin, pawang miyembro ng Dawlah Islamiyah (DI) “Maguid-Tadoy Group” sa ilalim ni alias “Tadoy”.

Sa ulat na nakara­ting kay Major General Juvymax Uy, ang commander ng Joint Task Force Central at 6th Infantry (Kampilan) Division, dakong alas-5 ng umaga ay magsisilbi lang sana ng warrant of arrest sa kasong murder ang mga operatiba ng 41st at 42nd Special Action Company ng PNP-SAF, 5th Special Forces Battalion sa ilalim ng 6th Infantry (Kampilan) Division, at T’Boli Municipal Police  sa mga suspek na may kasong two counts ng murder, direct assault, at frustrated murder nang salubungin sila ng mga putok ng mga terorista.

Tumagal ng halos 20 minuto ang barilan hanggang sa napuruhan ng bala ang apat.

Nakuha mula sa mga suspek ang ilang mga armas gaya ng carbine, 2 kalibre .45 na baril, granada, tatlong cellphone, mga bala, cartridge ng iba’t ibang kalibre ng baril at marijuana.

Ayon kay PNP chief Debold Sinas, ang mga suspek na armado ng mga matataas na ka­libre ay sangkot sa pambobomba sa Ge­neral Santos City noong 2018 kung saan namatay ang dalawang pulis-Polomolok sa South Cotabato. - Doris Franche

vuukle comment

TERORISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with