^

5-anyos patay sa nilarong ‘sumpak’

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2021 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Patay­ ang isang 5-anyos na nene matapos pumu­tok sa kanya ang diuma­no’y nagalaw nitong “sum­pak” sa kanilang bahay sa Sitio Cautit, Brgy. Monggoc, Pidigan, Abra noong Biyernes.

Sa report ng pulisya, duguan at nakahandusay sa sahig ang biktimang si Glea Jane Bolante nang datnan ng kanyang mga kaanak dakong alas-4:00 ng hapon.

Isa sa dalawang kalaro ng biktima ang nagkuwento sa mga imbes­tigador na may hawak na tubo ang biktima na ka­launan ay na­pag-ala­mang impro­vised shotgun o “sumpak” at pumutok sa kanyang katawan.

Sinisiyasat ngayon ng awtoridad ang mga nag-aaruga sa bata upang matukoy ang may-ari ng sumpak habang pinag-aaralan na masampahan sila ng kaso dahil sa kapaba­yaan.

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with