^

Probinsiya

Mag-utol na binihag ng NPA rebels, nakatakas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Mag-utol na binihag ng NPA rebels, nakatakas
Ginagamot sa Masbate Provincial Hospital sa Masbate City ang magkapatid na kinilalang sna Vicente Vargas, 22-anyos at Alfredo Vargas Cedillo, 53-anyos, pawang rebel returnee at residente ng nasabing barangay.
NPA

AROROY, Masbate, Philippines — Isang sugatang magkapatid na pawang rebel returnee ang nabawi ng mga humahabol na pulis at sundalo sa kamay ng mga New People’s Army (NPA) matapos na makatakas mula sa mga dumukot na rebelde habang naglalakad sa mga kabundukan ng Brgy.Cabas-an sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Ginagamot sa Masbate Provincial Hospital sa Masbate City ang magkapatid na kinilalang sna Vicente Vargas, 22-anyos at Alfredo Vargas Cedillo, 53-anyos, pawang rebel returnee at residente ng nasabing barangay.

Sa ulat,alas-5 ng hapon habang nagsasagawa ng clearing operation sa mga kabundukan ng Brgy. Cabas-an ang pinagsanib na pwersa ng Masbate Police Provincial Mobile Force Company at Military Intelligence Company nang masalubong nila ang sugatang magkapatid.

Ayon sa magkapatid, kasama nilang tumakas sina barangay kapitan Aniano Ca­pinig at Alden Atutubo Javier, 32-anyos na unang naiulat na Alden Vargas.

Nabatid na magkakasama ang apat na nakatakas mula sa dumukot na mga rebelde kung saan pinagbabaril sila habang tumatakbo kaya nasugatan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Hindi pa matukoy kung ilan pa talaga ang hawak ng mga rebelde.

Sina Capinig, Javier at magkapatid na Cedillo,ay kasama sa 16-residente na mga dinukot ng mga rebelde na pinangu­ngunahan nina Ka Aris at Ka Cris na sumalakay sa kanilang barangay noong umaga ng Martes.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with