^

Probinsiya

76 magsasaka, tumanggap ng titulo ng lupa

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines — Halos hindi mai­pinta ang ngiti sa labi ng 76 magsasaka ng Barangay Ba­retbet sa bayan ng Bagabag sa lalawigang ito matapos matanggap ang kanilang certificates of land ownership award (CLOAs) mula mismo sa mga opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR), kamakalawa.

Ayon kay Agrarian Reform Secretary John Castriciones, na umabot sa 88 na CLOA na may kabuuan na 112 ektarya ng lupa ang kanilang ipinamahagi sa mga magsasaka sa Sitio Amballo at Kinalabasa sa nasabing lugar.

Kasabay ng pamimigay ng titulo ng lupa sa mga magsasaka, kung saan inihatid mismo sa kanilang mga sakahan, ay pinangunahan din ni Castriciones ang tatlong araw na pagbisita sa mga CLOA hol­ders sa kanilang mga tahanan, kabilang na rin ang pagsasagawa ng mga pulong sa bayan naman ng Bayombong para alamin mismo sa kanilang mga bibig ang kanilang kalagayan at suliranin na may kaugnayan sa pagsasaka.

Ayon kay Marilou Balubal, isa sa mga nakatanggap ng titulo, nabigla umano siya habang naglilinis sa kanyang mga tanim na pinya nang makita ang ilang mga katao na naglalakad patungo sa kanyang lugar.

Lalo umano itong naluha sa tuwa nang iabot mismo sa kanya ni Castriciones ang titulo ng kanyang tinatamnan ng lupa sa loob ng halos 28 taon.

Bukod sa pamimigay ng libreng mga titulo ay binigyan din ng kagawaran ng 5 pineapple shredder machines, 1 machine para sa pineapple fiber production ang mga nagtatanim ng pinya sa sitio Kinalabasa at Amballo habang 1 unit naman ng L-300 van para sa mga magsasaka mula sa bayan ng Kasibu.

Samantala, ihinahanda na rin ng DAR ang mga titulo na ipamimigay naman para sa 20 rebel returnees ng lalawigan para magkaroon ng sariling mga lupa at makapamuhay ng mapayapa.

vuukle comment

DAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with