^

Kaso ng rape sa Benguet tumaas

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2021 - 12:00am

BENGUET , Philippines — Tumaas ang kaso ng panggagahasa bunsod ng idinulot ng pag­kaburyong ng Community Quarantine noong nakaraang taon na kung saan 68 ang naitala sa lalawigan ng Benguet mula Enero hanggang Disyembre.

Sa report ng Benguet Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), 34 sa mga naitalang kaso ay “incest” o mga panghahalay ng sariling ama sa kanyang kaanak.

Ayon sa PSWDO; na­ngunguna sa mga lumabag sa batas ay mga sariling ama ng mga biktima na karaniwang naiiwang mag-isa sa bahay habang marami sa mga salarin ay lasing.

Sa nakaraang taon, ang La Trinidad at Buguias ang nakapagtala ng tig-walong kaso habang lahat ng mga bayan sa lalawigan ay may naitalang kahalintulad na pangyayaring seksuwal.

Bunsod ng sitwasyon, pinayuhan ni Provincial SWD Officer Juana Bannawe ang mga magulang at tagapangalaga ng mga potensiyal na biktima na maging mapagmatyag sa inaasal ng mga kaanak at iba pang nakakatanda sa kanilang mga alagang bata at kababaihan upang masawata ang panghahalay sa panahon ng quarantine.

BENGUET COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with