^
SJDM, idineklarang âHuman Resource Capitalâ ng Pinas
Ito’y matapos na aprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara ang House Bill (HB) No. 2378 o ang “An Act Declaring the City of San Jose del Monte in the Province of Bulacan As Human Resource Capital”. Sa botong 220 kongresistang pumabor, walang tumutol at umiwas sa pagboto ay ganap na naaprubahan ang nasabing panukalang batas.
STAR/ File

SJDM, idineklarang ‘Human Resource Capital’ ng Pinas

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa wakas, idineklara na bilang “Human Resource Capital of the Phi­lippines” ang San Jose Del Monte City sa lalawigan ng Bulacan.

Ito’y matapos na aprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara ang House Bill (HB) No. 2378 o ang “An Act Declaring the City of San Jose del Monte in the Province of Bulacan As Human Resource Capital”.  Sa botong 220 kongresistang pumabor, walang tumutol at umiwas sa pagboto ay ganap na naaprubahan ang nasabing panukalang batas.

Sa ilalim ng panukala na iniakda ni San Jose del Monte City Rep. Florida “Rida “Robes, isinasaad dito ang pagkilala sa SJDM ng gobyerno na lugar na pinaglipatan ng maraming mga tao kabilang ang mga informal settlers sa Metro Manila ay maaaring gamitin ng pamahalaan para sa prog­ramang pagsasanay sa kaalaman at kabuhayan.

Bukod kay Robes, kabilang din sa may akda ng nasabing panukalang batas ay sina Reps. Enrico Pineda, Michael Aglipay, Mark Go, Ma. Theresa Collantes, Leonardo Babasa Jr., Fernando Cabredo, Rowena Niña Taduran, Cheryl Delloso-Montalla, Ferdinand Gaite at  Lawrence Fortun.

Sa pamamagitan nito,  ayon pa sa lady solon ay maitataguyod ang maraming hanapbuhay, pag-unlad ng ekonomiya at paglago ng lipunan.

Samantalang, ­inaatasan din dito ang Departments of Labor and Employment, Trade and Industry at TESDA na lumikha ng mga patakaran at implementasyon ng mga plano at programa sa pagpapahusay sa human resources ng lungsod kabilang na rito ang pagtatatag ng training centers, pagsasanay sa kaalaman at kabuhayan at pagtataguyod ng mataas na kalidad ng teknikal at bokasyonal na edukasyon.

Pinasalamatan naman ni Robes ang mga kapwa nito mambabatas sa Kamara sa pag-aapruba sa nasabing panukalang batas na magsisilbing daan sa libu-libong mga residente sa 40 relocation sites sa lungsod at 150 naninirahan sa mga subdibisyon ng lungsod upang makakuha ng mga kahusayan at pagsasanay sa kabuhayan na magiging daan para sa tuluyang pagtra-trabaho.

SJDM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with