^
8-anyos hulog sa puno, natuhog ng itak
Agad namatay dahil sa malalim na sugat sa dibdib ang biktimang kinilalang si Aries Dacuba Penero, residente ng nasabing barangay.
STAR/ File

8-anyos hulog sa puno, natuhog ng itak

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2021 - 12:00am

SANGAY, Camarines Sur, Philippines — Dead-on-the spot ang isang 8-anyos na batang lalaki matapos na mahulog sa punongkahoy at matusok ng dalang itak sa Zone-6,Sitio Cabunturan, Brgy. Sibaguan ng bayang ito, iniulat ng pulisya kahapon.

Agad namatay dahil sa malalim na sugat sa dibdib ang biktimang kinilalang si Aries Dacuba Penero, residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-10 ng umaga noong Linggo ay nagpunta ng kakahuyan ang biktima para manguha ng kahoy na panggatong at umakyat sa isang puno dala ang itak.

Gayunman, habang namumutol ng mga sanga ay aksidente itong nahulog at tumusok sa kanyang dibdib ang dalang itak. Mabilis naman siyang sinaklolohan ng mga re­sidente pero sa tindi ng pagkakatusok ng itak sa kanyang katawan ay agad na nasawi ang bata.

DEAD ON THE SPOT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with