^

Sen. Go umayuda sa 200 nasunugan sa Bulacan

Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2021 - 12:00am

MARILAO, BULACAN, Philippines — Tig-limang libong piso ang tinanggap na tulong ng 200 pamilya na nasunugan kamakailan sa bayan ng Marilao mula kay Sen. Lawrence Christopher “Bong” Go sa pagbisita nito kahapon sa Bulacan.

Maging ang 1,273 na mga market vendor sa bayan ng Plaridel ay tumanggap din ng tig tatlong libong piso mula sa dating Special Assistance to the President.

Bukod sa tulong pinansiyal, tumanggap din ang mga benepisyaryo ng 30 tablets, mga food packs, face mask, face shield, vitamins at bisikleta.

Si Go ang kauna-unahang senador na personal na naghatid ng tulong sa mga nasunugang pamilya sa Brgy. Tabing Ilog, Marilao, Bulacan noong nakaraang Huwebes ng gabi.

Sinabi ni Sen. Go na patuloy siyang maghahatid ng tulong sa mga mahihirap na Bulakenyo sa abot ng kanyang makakaya.

SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with