^
Travel ban vs taga-Metro Manila, ipinatupad sa Arayat
Mt. Arayat
Philstar.com/Erwin Cagadas Jr.

Travel ban vs taga-Metro Manila, ipinatupad sa Arayat

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2021 - 12:00am

Dahil sa pagpasok ng UK COVID-19 variant

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Ipinatutupad ngayon sa Arayat, Pampanga ang “travel ban” sa mga taong papasok sa bayan na manggagaling mula Metro Manila partikular sa Quezon City matapos makumpirmang nakapasok na sa Pilipinas ang UK variant ng COVID-19.

Matatandaan na na-detect ng mga health authorities ang bagong COVID-19 variant mula sa nagbakasyong residente ng Quezon City na isang binata na nakauwi sa Pililinas mula Dubai noong Enero 7.

Ayon kay Mayor Bon Alejandrino, ang pagbabawal ay hindi diskriminasyon kundi bahagi ng kanilang pag-iingat na hindi makapasok sa kanyang teritoryo ang bagong anyo ng COVID-19 na umano’y mas madaling kumalat o makahawa.

Bilang bahagi sa kanilang ipinatutupad na health protocols, ang mga umuuwing residente na namamasukan sa Que­zon City ay kinakailangan nang makapagsumite ng bagong Health Certification na wala silang COVID-19 kalakip ang negative test results ng kanilang RT PCR test.

Idinagdag pa ng alkalde, ang mga motoristang dumaraan lamang sa Arayat ay hindi rin puwedeng bumaba o lumabas sa sasakyan. Sa halip, pinapayuhang gamitin na lamang ng mga ito ang bypass road upang hindi na sila magkaroon ng exposure sa kabayanan.

COVID-19 TRAVEL BAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with