^
Chinese, empleyado natagpuang patay

Chinese, empleyado natagpuang patay

Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2021 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Isang 23-anyos na lalaking Chinese national na natagpuang patay sa banyo ng kanyang kuwarto sa loob ng itinatayong Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) habang naagnas na rin nang makita ang isang empleyado ng BPO company sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito.

 Isinugod pa sa Binakayan Medical Hosital ang biktimang si Lou Bikal, binata, tubong Guizhou China  ng Dorm 15 Room 226  First orient ventures Corp, Brgy Pulborista, Kawit, Cavite  pero idineklarang dead-on-arrival, habang ang nakitang naagnas ay si Mark Paulines, 36, ng Block 25, Lot 16, Castillon Homes, Brgy. Pasong Kawayan 2, Gen Trias City, Cavite.

 Sa ulat ni Pat. Troadio Balitaosan ng Kawit Police,  alas-4:30 ng hapon ka­makalawa nang madiskure ng isang Levi Linde Basiloy, isang housekeeper sa nasabing dorm si Bikal na nakahiga sa sahig ng comfort room nang pumasok para maglinis, kaya agad na ini-report sa kanyang supervisor na siyang tumawag ng company ambulance at dinala ang Tsino sa ospital. 

Hindi nakitaan ng anumang sugat sa katawan o senyales na pinahirapan ang dayuhan at anumang forced entry sa bahay nito.

Samantala, nagtungo  ang isang Marian Rose Espina, team leader ng biktimang si Paulines sa isang BPO company sa kanyang bahay sa Castillos Homes, Brgy Pasong Kawayan 2, Gen Trias City, Cavite upang alamin ang kanyang kondisyon matapos na hindi makontak. Pero hindi pa man nakakapasok si Espina sa bahay ng biktima ay nakaamoy na ito ng masangsang  at nadiskure ang katawan ng biktima sa loob ng kanyang bahay sa ikalawang  palapag na naagnas na. Inaalam din kung may naganap na foul play sa pagkamatay nito. 

CRIME POGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with