^

Tupada ni-raid: 9 sabungero timbog

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2021 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dinakip ng awtoridad ang 9 na sabungero kabilang ang dalawang dayo na nagsasagawa ng ilegal na sabong o tupada nang walang suot na face mask at face shield sa isang bakanteng lote sa Dau Homesite, Brgy. Dau, Mabalacat City, Pampanga noong Linggo.

Kinilala ng pulisya ang mga inaresto na sina Roner De Dios, Danilo Alfaro, Melchor Dulay, Arnel Abalos, Jorge Montila Jr., Reynaldo Enecillo at Randy Cunanan na pawang mga taga-Mabalacat at mga dumayong sina Nestor Rodriguez at Fidel Nuqui na taga-Angeles City.

Nasamsam sa lugar ang pitong buhay at dalawang patay na panabong na manok, dalawang tare at P6,560 cash na taya ng mga sugarol.

Sa report na nakarating kay Mabalacat City Chief of Police Lt. Colonel Rossel Cejas, nilusob ng kanyang mga tauhan ang ilegal na sabungan kasunod ng suplong ng mga residente sa lugar.

Nabatid na nagsipulasan ang iba pang mga miron nang makita ang paparating na alagad ng batas.

Ayon sa mga residente, mayroong dumarayong tao sa tupada na pinaniniwalaang carrier ng COVID-19.

Dagdag pa sa rek­lamo ay ang nililikhang ingay ng mga sabungero sa pustahan at laban na pinagmumulan ng peligro ng virus sa ha­ngin dahil sa mga nagtatalsikan nilang laway.

COCKFIGHTING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with